BAKIT TAYO NAG HIHINTAY SA WALA?
Bakit nga ba? Yung kahit alam natin na wala na, kahit alam natin na hindi na pwede, patuloy pa din tayo sa pag hihintay sa bagay na alam nating kahit kailan, hindi na mangyayari? Bakit patuloy tayo sa pag hihintay na dumating yung araw na alam nating kahit kailan, hindi na maibabalik?
Yung dating masaya kayo, puno ng tawanan, lambingan, at kasweetan. Yung dating hawak n’yo ang kamay ng isa’t isa. Yung dating yakap yakap ka n’ya. Yung dating kayo.
Bakit kahit alam natin na hindi na pwedeng ibalik lahat ng ‘yun, patuloy pa rin tayo sa pag hihintay sa araw na pwede pang mangyari lahat ng ‘yun?
Baka dahil umaasa tayo na pwede ba, na pwede pang mag bago ang ikot ng mundo, ihip ng hangin, at takbo ng utak n’ya. Na baka isang araw, maisip n’ya na mahal ka pa n’ya, na ikaw ang tanging gusto n’ya, na ikaw lang ang gusto n’yang makasama.
Baka umaasa tayo sa 0.01% na baka pwede pang maibalik ang dati. Na kahit alam natin sa sarili natin na malabo na, pilit tayong humahanap ng rason para isipin na baka, baka lang naman, baka sakali lang naman, pwede pa.
Baka natatakot tayo na dumating yung araw na sumuko na tayo, at sa panahon na ‘yun, tsaka pa s’ya bumalik. Baka natatakot tayo na tuluyan silang mawala. Baka natatakot tayo na dumating ang araw na maawa ang Diyos ay pagbigyan tayo, at sa araw na yun, sumuko ka na.
Nag hihintay ka pa rin diba? Bakit? Kasi mahal mo s’ya.
Yun ang sagot, mahal mo s’ya. Kaya para sayo, kahit gaano katagal, kahit gaano ka imposible, kahit gaano kalabo, nag hihintay ka pa rin. Kasi baka, baka sakali lang naman, bumalik s’ya. Baka sakali lang naman, pwede pang maibalik ang dati. Baka sakali lang naman, mahal ka pa n’ya.