Bakit #1

grunge-tumblr-girls-random-favim-com-3849236

BAKIT UMAASA TAYO SA MGA BAGAY NA WALANG KASIGURADUHAN?

Bakit nga ba? Bakit kahit alam natin sa sarili natin na walang assurance ang isang bagay, patuloy tayo sa pag asa, patuloy tayo sa pag-hintay? Bakit kahit yung mismong bagay na hinihintay natin, ipinapakita na satin na wala ng pagasa, umaasa pa rin tayo na baka kahit konti, baka kahit katiting lang, maawa ang tadhana at magkaron ng konting pagasa?

 

Kahit ipinapakita n’ya na sakin na wala ng pagasang maibalik ang dati, kahit ipinapakita n’ya sakin na tapos na talaga, umaasa ako sa kakapiranggot na chance na baka mag bago yung ihip ng hangin at magkaron ng kahit 0.01% chance na pwede pa. Naniniwala ako na baka, baka lang naman, kapag nakita n’ya na worth it ako, baka sakaling magkaron ng konting chance na pwede pa.

 

Kahit walang kasiguraduhan, umaasa ako na pwede pa, kasi sa mata ko, worth it s’ya. Kahit walang kasiguraduhan, umaasa ako na pwede pa, kasi sa kanya lang ako sasaya. Kahit walang kasiguraduhan, umaasa ako na pwede pa, kasi mahal ko s’ya.

 

Yun ang sagot, mahal mo s’ya, mahal ko s’ya. Yun ang dahilan kung bakit umaasa ka, umaasa ka kasi mahal mo s’ya, kaya sa mga mata mo, worth it s’yang hintayin kahit pa walang kasiguraduhan kung may patutunguhan yung paghihintay mo. Basta s’ya, basta yung taong mahal mo, basta yung taong mahal ko. Kahit gaano katagal, hanggat kaya ko pa, hanggat mahal ko pa s’ya, maghihintay lang ako, aasa lang ako. Kasi baka, baka lang naman kahit konti, may pag asa pa. Baka lang naman.

Advertisements